Biag ni Lam-ang
Biag ni Lam-ang (Tagalog:
"Buhay ni Lam-ang") ay isang epikong tula ng mga Ilokano mula
sa rehiyon ng Ilokos sa Pilipinas.
Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang
Ilokano, pinapaniwalaang na pinaghalong gawa ito ng iba't ibang mga
lumilikha ng tula na pinasa sa pamamagitan ng mga salinlahi, at unang sinulat
noong 1640 ng isang bulag na manunula na si Pedro Bucaneg.
BIAG
NI LAM – ANG
(KWENTO)
Sina Don Juan at Namongan ay taga Nalbuan, ngayon
ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa
isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang
isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na
hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa
mga hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan,
mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang,
nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang
ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag.
Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya
nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng
ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama
kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at
mga antng-anting na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang
hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang
paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at
napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote.
Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay
ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng
dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang
saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang,
lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya
an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay,
pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y
naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos
na paliguan si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay
na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa
katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na
nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang
ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na
manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang,
kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming
nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila
ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa
tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp,
tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng
iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag
ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging
manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng
sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa
Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala
nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang
masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan
nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa
Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s
ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang
palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni
Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa
isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol
at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay
ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa
piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
No comments:
Post a Comment